August 8,2008… 888… Lucky daw ang araw na to. Start ng Beijing Olympics. But everytime this day would come I can feel pain. Its been six years. Six long years of living without you. There had been six Christmas without you. Six New Years had passed. Six birthdays na namin ang nagdaan. At six todos losantos na ikaw ang pinupuntahan namin.
I can still recall that morning. Clear pa din sa memory ko lahat. It was a great loss in my life. Ganun kita kamahal. Ok na naman kami eh, pero syempre I can’t help it. There are times I still wonder, what if your still here. Andaming what ifs, andaming sana. Pero lahat yun hanggang dun nalang talaga.
Iniisip ko bakit nga ba ganun? Pero I still have faith in Him. He has a good reason, minsan malabo pa sa atin pero in God’s time everything will be alright. She was the best gift I ever had. Her coming into my life was a blessing.
If oneday I’ll be meeting her again gusto kong sabihin na wala akong gustong baguhin sa buhay ko. I’ll still want her to be my Mom. I still want Toni and AJ. I still want everything I have right now. I still want my family.
I really miss you Mom. sobra. Ang hirap pala ng buhay pero thankful ako kasi I think naituro mo na sa akin ang mga mahahalagang aral ng buhay. May be applications nalang ang kailangan. Pero naghohope pa din ako na sana nandito ka pa din.
Kasi kahit gaano kasaya yung Christmas, New Year at birthdays namin, may kulang pa din.
Andaming nangyari at alam ko madami pang mangyayari. Pero tulad ng sinabi mu sa akin before nung nawala ako sa top ten, dapat hindi ako sumusuko. Alam ko naman po na hindi niyo kami pinapabayaan eh, madaming tao ang nagmamahal sa amin at umaalaga, for sure padala niyo sila para sa amin.
I love you. sobra. Thank you sa sobrang masaya at complete na 10 years ng buhay ko. You’ll always be my Mom and I’ll always be your daughter.