Nung bata pa ko alam ko ang favorite na cinecelebrate ko ay Christmas. ASide from the gifts na binubuksan ko, naeexcite ako pag Christmas kasi nakakapasyal ako sa iba’t ibang lugar. Masaya kasi kung hindi kami nagswiswimming, pumupunta kami sa mga amusement parks at nagpapakasaya. Natigil na nga lang yun nung wala na si Mommy tsaka umalis na din kasi sina Tita Lian at Tita Ims, pumunta na ng States. Also, madalas sa Aklan na kami nagChri-Christmas.
Kaya siguro in-aim ko ding mafeel ulit yung Christmas na nadanasan ko noon. Kaya siguro kahit magastos sobrang pinag-ipunan ko ang Christmas na to. Hindi ko man maulit na, I’m so glad I’ve made this special for my cousins. Sana napasaya ko sila dahil ako naging masaya talaga.
Happy din kasi nag EK ako with friends. Sobrang antagal na plano na to and nangyari na.
I’m so proud of myself kasi yung mga things na akala ko hindi ko kaya eh magagawa ko pala. Thank you Lord for all these blessings. Sobrang hindi to possible without your help.
After this break sobrang back to work mode na ulit ako. Isa nalang ang inaantay ko.. and sana makuha ko siya. Yun nalang ang hinihiling ko at sana mangyari na.
Merry Christmas and Happy New Year!!! cheers!!!